nag-loloading...
Ang
KARUNUNGAN at/o KABALIWAN
ng mga
TAUHAN
Ni nicky case • isinalin ni yustine arevalo • orihinal na ingles
loading... Laro na!


Si Sir Isaac Newton ay isang napakatalinong
tao. Sa bagay, pagkatapos niyang ikatha ang calculus at
ang teorya ng gravity, mayroon rin naman siyang kaalaman
sa financial investing, diba? Kaya nga, long story short, siya
ay nawalan ng $4,600,000 (sa ngayong dolyar) sa haka-hakang frenzy
ng buong bansa na kinikilala bilang South Sea Bubble noong 1720.

Tulad ng sinabi ni Mr Newton: “Kaya kong kalkyulahin ang galaw ng mga
planeta sa langit, ngunit hindi ang kabaliwan ng tao.”
Oo, malas sa kaniya
Siyempre, hindi lang ang mga
time markets, mga institusyon, o buong sistema ng
demokrasiya ang nawawalan ng kontrol — ang kabaliwan ng
tauhan. At kahit doon, bago ka man lang mawalan ng pag-asa sa tao,
may makikita kang tauhan nagtutulungang mag-rescue ng isa't isa sa
sa bagyo,mga komunidad na naghahanap ng solusyon sa mga problema,
mga taong naglalaban para sa mabuting mundo — ang karunungan ng tauhan!
Ngunit bakit bakit mayroong taong bumabaling sa kabaliwan, o karunungan? Walang teoryang
maaaring magpaliwang ng lahat nito, ngunit ang bagong field ng study,
network science, ang makakapag gabay sa atin! At ang pangunahing ideya nito ay ito: upang
upang maintindihan ang tauhan, kailangan nating tumingin hindi sa indibidwal na
tao
, kundi sa... ...kanilang mga koneksiyon.
Mag guhit tayo ng network! Ang bawat koneksiyon ay kumakatawan sa pagkakaibigan ng dalawang tao: gumuhit para ikonekta i-scratch para   burahin kapag tapos ka nang gumuhit, tumuloy na tayo,
Ngayon, ang mga sosyal na koneksiyon ay hindi lang sa paggwa ng magagandang mga imahe. Ang mga tao ay tumitingin sa kanilang mga sosyal na koneksiyon upang maintindihan nila ang kanilang mundo. Halimbawa, ang mga tao ay tumitingin sa kanilang kapantay upang malaman anong % ng kanilang mga kaibigan (hindi kabilang ang kanilang sarili) ay, sabihin nating, lasinggero.

Gumuhit ka nga ng mga koneksiyon!
okay, na gegets ko na Pero, ang mga networks ay pwedeng lumoko sa tao. Ang tao ay pwedeng makakuha ng mga maling ideya tungkol so lipunan dahil sila ay nakabilang dito.
opsyonal kadagdagang impormasyon! ↑
↓ links at references

Halimbawa, isang pag-aaral noong 1991 ang nagpakita na “halos lahat ng mga [kolehiyong] estudyante ang nakainom ng mas marami kumpara sa kanilang mga kaibigan.” Pero imposible! Paano ba iyon nangyari? Well, malalaman mo ang sagot, sa pamamagitan ng pagguhit ng isang Network. Oras na para... LOKOHIN ANG LAHAT
PUZZLE TIME!
Lokohin lahat para isipin nila na karamihan ng kanilang mga kaibigan (50% threshold) ay lasinggero (kahit ang mga lassingero ay outnumbered nang 2-to-1!)
NALOKO: out of 9 na tao Congrats! Napaloko mo ang isang grupo ng mga estudyante na maniwala sa pagkakalat ng napakasamang social norm! Napakagaling mo! ...uh. salamat? Ang nagawa mo ay tinatawag na Majority Illusion, ito rin ang dahilan kung bakit iniisip ng mga tao na ang kanilang politikal na tanawin ay normal, o kung bakit ang extremism ay mas madalas nagaganap kaysa sa kung paano natin ito nararanasan. Kabaliwan. Pero, ang mga tao ay hindi lang minamasdan ang ideya't pag-uugali ng iba, kundi ginagaya na rin nila. Ngayon, tignan natin ang isang bagay na tinatawag ng mga network scientists na... “Contagions!”
Itabi muna natin ang "threshold" na bagay sa ngayon. Sa ibaba: mayroong isang tao na may impormasyon. Maling information. "Fake news", na tinatawag ng mga cool kids. Araw-araw, ang taong iyon ay nagpapakalat ng pekeng tsismis, parang sakit, sa kanilang kaibigan. At ikakalat naman nila sa kanilang kaibigan.
Isimulan ang simulation!
(p.s: hindi ka pwedeng gumuhit habang umaandar ang sim!)
Paalala: kahit mukhang negatibo ang pangalan, ang mga "contagions" ay maaaring mabuti o masama (o neutral o ambiguous). Mayroong malakas na statistikal na ebidensya na ang pagsisigarilyo, kalusugan, kasiyahan, paraan ng pagboboto, at lebel ng kooperatiba ay "contagious" o nakakahawa -- at pati rin na ebidensya kung saan ang mga suicides at mass shootings ay nahahawa rin. wow, nakakadepress naman.
Tama ka diyan! Anyways, PUZZLE TIME!
Gumuhit ka ng network at isimulan ang simulation, para lahat ng tao ay mahawa mula sa "contagion".
(bagong rule: hindi mo pwedeng putulin ang mga makakapal na mga koneksiyon)
Supapapalicious!
Itong pagkakalat ng kabaliwan ay itinatawag na "information cascade". Si Mr. Newton ay nadamay dito noong 1720. Pati na rin ang mga pinansiyal na institusyon ng BUONG mundo ay nadamay dahil dito noong 2008.

Ngunit: mali ang simulation na ito. Maraming mga ideya ay hindi kumakalat tulad ng sakit. Para sa karamihan ng paniniwala't kaugalian, nangangailangan kang maging "bukas" sa contagion nang hindi hihigit ng isang beses upang ikaw ay "mahawa". Dahil dito, ang mga network scientists ay gumawa ng makabago, at mas mabuting paraan upang ipakita kung paano kumakalat ang mga ideya/pag-uugali, at itinatawag nila itong... Complex Contagions!”
Ibalik naman natin ang mga "thresholds" at ang mga lasinggero na halimbawa! Nung nilaro mo to sa unang pagkakataon, hindi nagbago ang mga tao.

Ngayon, itesting naman natin kung ang mga tao namang umiinom habang 50%+ ng kanilang mga kaibigan ay umiinom na rin! Bago mo isimulan ang sim, isipin mo muna nang mabuti kung paano dapat itong magyari.

Ngayon, isimulan mo ang sim, at tignan kung ano ang mangyayari!
Di tulad sa "fake news" na contagion, itong contagion ay hindi kumakalat sa lahat! Ang unang mga tao ay "nahahawa" ,dahil sila ay bukas lamang sa iisang lasinggero, iyong lasinggero ay 50% ng kanilang kaibigan. (oo, mga loners sila) Kung titignan natin ng mabuti, ang tao sa huli ng chain ay hindi "nahawa", dahil kahit sila man ay bukas malapit sa isang lasinggero, hindi pa rin nila naipasa ang 50%+ threshold.
Itong relative % ng mga "infected" na kaibigan ay mahalaga. Iyon ang pagkakaiba ng complex contagion theory, at ang kumakalat-lang-ng-parang-virus na simple contagion theory. (pwede mong sabihin na ang mga "simple contagions" ay contagions lamang na may "mas mataas kaysa sa 0%" infection threshold)
Ngunit, ang mga contagions ay hindi laging masasama — so enough sa tauhang kabaliwan, paano naman kaya ang... ...tauhang karunungan?
Dito, mayroon tayong tao na na boluntaryong... ewan ko, tumutulong sa mga taong apektado ng bagyo, magturo sa mga mahihirap na kabataan, basta ganon. Ang importante dito, ito ay ang "mabuting" complex contagion. Dito naman, samantala, sabihin natin na ang threshold ay 25% lamang — ang mga tao ay wiling ring magvolunteer, kung ito ay 25% o kung pati na rin ang kanilang kaibigan. Hoy, ang mabuting kalooban ay nangangailang rin naman ng pampalakas loob, eh.

← "Ihawa" ang lahat ng mga tao sa pamamagitan ng good vibes!
Paalala: Ang pagiging boluntaryo ay isa sa mga marami pang complex contagions! Ang ibang pang nabibilang dito ay: paraan ng pagboboto, araw-araw na gawain, paghahamon ng iyong sariling paniniwala, pag-iintindi ng mabuti ng isang malalim na suliranin — kahit ano na nangangailangan ng maraming "exposure". Ang mga complex contagions ay hindi palaging makatarungan, pero ang pagiging makatarungan ay isang complex contagion.
(So, ano naman ba sa totoong buhay ang simple contagion? Madalas ito ay ang mga trivia, tulad ng, "ang possum ay mayroong 13 na utong") Ngayon, upang talagang maipakita ang kapangyarihan at "weirdness" ng mga complex contagions, bisitahin muli natin... ...ang isa sa nauunang puzzle
Natatandaan mo pa ba to? Ngayon naman, na may complex contagion , medyo mahirap naman ito...
Subukan mong "ihawa" ang lahat gamit ang complex na karunungan!
(pwede mong pindutin ang 'start' at subukan ang kahit anong solusyon na gusto mo) WOW, AKO NA
Ngayon, maaari mong isipin na kailangan mo lamang magdagdag ng mga koneksiyon upang mapakalat ang mga contagion, "complex" o "simple", mabuti or masama, makatarungan or baliw. Pero yun nga ba yon? Bisitahin muli natin ang... ...isa pang nauunang puzzle
Kapag pinindot mo ang "start" sa ibaba, ang complex contagion ay kakalat lamang sa lahat. Yun lang. Pero ngayon, gawin naman natin ang kabaliktaran ng lahat ng nagawa natin: gumuhit ng network upang hindi mapahawa ng contagion ang lahat!
Nakita mo? Habang nakaktulong ang maraming koneksiyon sa pagpapkalat ng mga simpleng ideya, ang mas maraming koneksiyon ay nakakapagsakit sa mga complex na ideya! (halos nakakapagisip ito ng katulad sa internet, hm?) Hindi lang ito isang teoretikal na problem. Maaari itong maging bagay ng buhay... ...o kamatayan.
Lahat ng tao sa NASA ay matatalino. Sa bagay, ginamit rin nila ang mga teorya ni Newton para mapadala nila tayo sa Moon. Anyways, long story short, noong 1986, sa kabila ng mga babala mula sa mga inhinyero, inilaunch pa rin nila ang Challenger, kung saan 7 tao ang namatay sa pagkasabog nito. Ang agarang dahilan: masyadong malamig noong umagang iyon.
Ang hindi kasing agarang dahilan: hindi pinansin ng mga manager ang mga babala ng mga inhinyero. Bakit? Ito ay dahil sa groupthink. Kapag ang isang grupo ay masyadong konektado, (kung saan madalas sila sa matataas na institusyon) mas lumalaban sila sa mga complex na ideya na humahamon sa kanilang paniniwala o pagkamakaako.
Pero paano ba natin makakagdesign para sa tauhan ng karunungan? Bonding at Bridging
← Masyadong kaunting koneksiyon, at hindi kakalat ang isang ideya. at kabaliktaran.
Gumuhit ka ng grupo kung saan maaaring kumalat ang complex na ideya!
Simple lang! Ang bilang ng mga koneksiyon sa loob ng isang grupo ay itinatawag na bonding social capital. Pero paano naman ang mga koneksiyon... ...sa pagitan ng mga grupo? , ang bilang ng mga koneksiyon sa pagitan ng mga grupo ay itinatawag na bridging social capital. Mahalaga ito, dahil nakakatulong ito sa mga grupo upang makaalis sila sa kanilang insular echo chambers!
Gumawa ka ng bridge, upang "mahawa" mo ang lahat gamit ang complex na karunungan:
Katulad ng bonding, mayroong "sweet spot" sa pag=bibridge, din. (isa pang challenge: subukan mong gumuhit ng bridge na sa sobrang kapal, na hindi kakayanin ng complex contagion na makalagpas ito!) Dahil alam na nating magdesign ng mga koneksiyon sa loob at sa pagitan ng mga grupo, subukan nating... ...gawin ang PAREHO! PINAKA LAST NA PUZZLE!
Gumuhit ka ng koneksiyon sa loob ng mga grupo at sa pagitan ng mga grupo upang maikalat ang katarungan sa buong tauhan!:
Congrats, nakapag guhit ka ng isang espesyal na network! Ang mga network na may tamang halo ng bonding at bridging ay napakaimportante, at sila ay itinatawag na... “Small World Networks”
"Pagkakaisa nang walang pagkakapareho". "Dibersidad na walang dibisyon". "E Pluribus Unum: out of many, one".
Sa kahit ano mang paraang sabihin, Ang mga tao ay madalas na dumadating sa parehong piraso ng karunungan: ang isang mabuting lipunan ay nangangailangan ng tamang bilang ng bonds sa loob ng mga grupo at bridges sa pagitan ng mga grupo. Iyon ang:
Hindi ito...
(dahil hindi kayang kumalat ang ideya)
hindi rin to...
(dahil makakakuha ka ng groupthink)
...kundi ITO: Ang mga network scientists ngayon ay mayroon nang matematikal na kahulugan para sa karunungang ito: ang small world network. Itong tamang halo ng bonding+bridging ay naglalarawan kung paano konektado ang ating mga neurons, nakakapaglaki ng kolektibong pagkamalikhain at ang kakayahang maghanap ng solusyon sa problema, nakapagpatulong nga ito kay US President John F. Kennedy para (muntikan) iwasan ang nuclear war! Kaya oo, mahalaga nga ang maliliit na mundo. ok, tapusin na natin to...
(pst... gusto mong malaman ng sikreto?) Contagion: simple complex Ang Kulay Ng Contagion: Pumili ng tool... Gumuhit Ng Network Dagdagan Ng Tao Dagdagan ang "Infected" Idrag Ang Tao Tanggalin Ang Tao BURAHIN ANG LAHAT (...o, gumamit ng keyboard shortcuts!) [1]: Dagdagan Ng Tao     [2]: Dagdagan ang "Infected"
[Space]: Drag     [Backspace]: Delete
KONKLUSIYON: tungkol ito sa...
Contagions at Connections
Contagions: Katulad ng kung paano magpasa ng impormasyon ang neurons sa loob ng utak, nagpapasapasa ang mga tao ng paniniwala at pag-uugali sa lipunan. Hindi lang natin iniimpluwensiya ang ating kaibigan, iniimpluwensiya na rin natin ang kaibigan ng ating kaibigan, at pati na rin ang kaibigan ng kaibigan ng ating kaibigan (“be the change you wanna see in the world” blah blah blah) Pero, katulad ng neurons, hindi lang ang mga signals ang importante, kundi pati na rin ang...
Connections: Hindi kumakalat ang mga ideya kung kakaunti ang mga koneksiyon. Masyadong maraming koneksiyon at madadapurak naman ng Groupthink ang complex na ideya. Ang trick dito ay bumuo ng small world network, ang tamang halo ng bonding at bridging: e pluribus unum.
(gusto mong gumawa ng sariling simulations? tignan mo ang Sandbox Mode, sa pamamagitan ng pagclick ng (★) button sa ibaba!)
Ngayon, paano naman ang ating tanong sa pinaka umpisa? Bakit nga ba ang ibang tao ay tumatalikod sa...
...karunungan at/o kabaliwan?
Mula Newton hanggang NASA hanggang network science,
marami tayong itinalakay ngayon. Long story short, ang kabaliwan ng mga tao ay hindi palagi nanggagaling sa mga indibidwal na tao, kundi
sa paano inipit sa sapot ng network.
Ito ay HINDI nangangahulugang na iwanan ang personal na responsibilidad, sapagkat tayo rin ang mga manghahabi ng sapot na iyon. Ngayon, ipabuti ang mga contagions: maging mapag-aalinlangan sa mga ideya na nagpaparangal sa iyo, intindihin ng mabuti ang mga
complex na ideya. At, ipabuti ang iyong mga koneksiyon: magbond sa mga katulad ng mga tao, pero bumuo rin ng mga bridges sa kabuuan ng cultural/politikal na mga pagkahati.
Pwede tayong maghabi ng makatarungang sapot. Oo, mas mahirap iyon kaysa magguhit
ng mga linya sa kompyuter... ...pero, worth it parin ito.
“Ang mga dakilang tagumpay at trahedya ng kasaysayan ay sanhi, hindi sa pamamagitan ng mga tao na sa panimula ay mabuti o sa panimula ay masama, kundi sa pamamagitan ng mga tao na sa panimula ay mga tao”
~ Neil Gaiman at Terry Pratchett
<3
iginawa ni
NICKY CASE
iba ko pang laro · i-follow mo ako sa twitter

maraming pagmamahal at pasasalamat sa
AKING PATREON SUPPORTERS
tulungan mo akong gumawa pa ng mga bagay tulad nito! <3
tignan ang aking supporters · tignan ang aking playtesters

♫ music ay "Friends 2018" and "Friends 2068" ni Komiku
</> Crowds ay fully open source

WIN start simulation reset & re-draw Fan-made translations: What the, no fan-made translations exist yet?! (add your own!) (original in English)

Isang madaliang tugon sa libro ni James Surowiecki na The Wisdom of Crowds

Unang una, hindi ko inaaayaw ang librong ito. Maganda ang librong ito, at si Surowiecki ay humaharap rin sa katulad lang na tanong: “bakit ang ibang tao ay lumiliko sa kabaliwan at/o karunungan?”

Ang sagot ni Surowiecki: gumagawa ng mabubuting desisyon ang mga tao kapag sila ay nag-iisa lamang. Mayroon siyang kwento ukol sa isang county fair, kung saan ang mga tao ay imbitado upang hulaan ang timbang ng isang kalabaw. Nakakagulat, ang average ng lahat ng kanilang hula ay mas malapit kaysa sa iisang hula. Pero, ito nga lang: kailangan nilang hulaan ng magkahiwalay sa kanila. Dahil kung hindi, maiimpluwensiyahan sila ng mga maling sagot, at ang tamong sagot ay mas palayo nang palayo sa kanilang sagot.

Pero... hindi ko iniisip na ang "maghiwalay ng mga tauhan" ang buong sagot. Kahit ang mga henyo, mga taong iniisip natin na nag-iisip ng mag-isa, ay na iimpluwensiyahan rin ng iba. Katulad lang ng sinabi ni Sir Isaac Newton, “Kung nakakita pa ako, ito ay sa pamamagitan ng pagtayo sa mga balikat ng mga Higante.”

Ngayon, aling ideya ba ang tama? Nanggagaling ba ang karunungan sa pag-iisip ng mag-isa, o kapag kasama ang iba? Ang tamang sagot: "oo".

Kaya yun ang isinusubukan kong ipaliwanag sa larong ito: kung paano makakakuha ng "sweet spot" sa pagitan ng pagsasarili at pagdepende sa iba — iyon ang, kung papaanong makakuha ng makatarungang tauhan.

Anu-ano pa bang klaseng koneksiyon ang meron?

Para magawan nating simple, ang aking mga simulations ay nagpapanggap na ang mga tao ay konektado lamang sa pagkakaibigan, at ang lahat ng pagkakaibigan ay pantay. Ngunit ang mga network scientists ay isinasaalang-alang ang iba pang parran kung paano tayo konektado, tulad ng:

Direksyonal na koneksyon. Si Alice ay ang boss ni Bob, pero hindi boss ni Alice si Bob. Si Carol naman ang magulang ni Dave,pero hindi naman magulang ni Carol si Dave. "Boss" at "parent" ay ang direksyonal na mga relasyon: ang kanilang relasyon ay tanging napupunta lamang sa iisang paraan. Sa kabila naman, ang "kaibigan" ay isang "bidirectional" na relasyon: ang relasyon ay napupunta sa parehong paraan.(well, sana nga lang)

Tinimbang na Koneksyon. Sina Elinor ay Frankie ay normal lamang na kaibigan. Sina George at Harry naman ay Best Friends Forever. Kahit mayroong parehong "pagkakaibigan" na koneksyon, ang pangalawa ay mas malakas. Isinasabi natin na ang dalawang koneksyon na ito ay may magkakaibang "timbang."

Tandaan mo lang: itong mga simulation ay mali. Katulad ng kung paano "mali" ang isang mapa. Nakikita mo ba ang kaliwang bahagi ng mapa? Di naman gray na kahon ang mga gusali diyan, ah! Walang lumulutang na salita sa ibabaw ng ciudad! Pero, ang mga mapa ay makapaki-pakinabang hindi dahil sila ay pinasimple, kundi dahil sila ay pinasimple nga. Pareho lang iyan sa mga simulations, o kahit anong siyentipiko na teorya. Siyempre mali sila — iyon ang dahilan kung bakit sila mapaki-pakinabangan.

Anu-ano pa bang klaseng contagions ang meron?

Napakarami ang mga klase ng contagions na pwedeng gamitin ng mga network scientists sa pagsisimulate ng "contagions"! Ipinili ko ang pinakasimple, para sa mga layuning pang-edukasyon. Pero ito ang mga iba pang paraan:

Contagions na Randomness. Ang pagiging "exposed" sa isang contagion ay hindi garantisadong nagpapahawa sa iyo, ginagawa lamang itong halos.

Iba-iba ang mga contagion thresholds ng mga tao. Ikinukunwari ng aking mga simulations na magkakamukha lamang ang thresholds para sa mga lasinggero (50%) o pagiging boluntero (25%) o maling impormasyon (0%). Syempre, hindi yan totoo sa totoong buhay, at pwedeng magsalamin dito ang sim.

Isang ekolohiya ng contagions. Paano kung mayroong maramihan na contagions, na may magkakaibang thresholds? Halimbawa, ang simpleng "kabaliwan" na contagion at ang complex na "karunungang" contagion. Kung ang isang tao ay nahawa ng kabaliwan, maaari pa ba silang mahawa ng karunungan? at vice versa? Maaari bang mahawa ng isa sa pareho?

Contagions na nagbabago. Hindi perpektong kumakalat ang mga ideya sa ibang tao tulad kung paanong kumalat ang sakit. Tulad ng laro na Telephone, ang mensahe ay napapaiba sa bawat muling pagsasabi — at paminsan-minan, mas kumakalat ang bagong ideya kasya sa dati! Kaya, sa ilang panahon, ang mga ideya ay "nagbabago" upang ito ay maging catchy, pwedeng gayahin, at nakakahawa.

Gusto ko pang matuto! Anu-ano pa ba ang pwede kong basahin/laruin?

Ang paliwanag na ito ay isang pambuwelo para sa iyong kuryusidad, kaya maaari kang sumisid ng mas malalim sa isang malawak na pool ng kaalaman! Narito ang higit pang mga bagay sa mga network o mga social system:

Libro: Connected ni Nicholas Christakis at James Fowler (2009). Isang turismo sa kung papaano ang mga networks ay nag-aapekto sa ating buhay, para sa ikabubuti o ikasasama. Ito ay isang excerpt: Paunang Salita at Unang Kabanata

Interactive: Ang Pagbabago ng Pagkatiwala ni Nicky Case (ako) (2017). Isang laro ukol sa larong teorya sa kung paano nabubuo ang kooperasyon... o kung paano sirain ito.

Interaktibo: Parabula ng mga Polygons ni Vi Hart at Nicky Case (ako rin) (2014). Isang kwento ukol sa kung paanoang ang mga di-nakakapinsalang desisyon ay maaaring lumikha ng isang mapanganib na mundo .

O, kung gusto mo lang makakita ng isang buong galerya ng interaktibo na edu-things, ito ang Explorable Explanations, isang hub para sa pag-aaral habang naglalaro!

“lahat ng mga [kolehiyo] na estudyante ang nakainom ng mas marami kumpara sa kanilang mga kaibigan.”

“Mga Bias sa pananaw ng mga pamantayang pag-iinom sa mga kolehiyong estudyante” ni Baer et al (1991)

“Ang Majority Illusion”

“Ang Majority Illusion sa Social Networks” by Lerman et al (2016).
Related: Ang Friendship Paradox.

“Mayroong malakas na statistikal na ebidensya na ang pagsisigarilyo, kalusugan, kasiyahan, paraan ng pagboboto, at lebel ng kooperatiba ay "contagious" o nakakahawa”

mula kay Nicholas Christakis at James Fowlerm isang napakaganda at napakatalinong libro, Connected (2009).

“ebidensya na ang mga suicides ay [nakakahawa], rin”

“Suicide Contagion and the Reporting of Suicide: Recommendations from a National Workshop” ni O'Carroll et al (1994), inendorso ng Centers for Disease Control & Prevention (CDC).

“ebidensya na ang mass shootings ay [nakakahawa], rin”

“Contagion in Mass Killings and School Shootings” ni Towers et al (2015).

Tignan rin: ang Don't Name Them campaign, kung saan hinihimok nito ang mga news outlets na HUWAG ipakita ang mga pangalan ng air mass murderers, manifestos, at social media feeds. Nagpapakalat lamang ito ng contagion. Sa halip, dapat ituon ng pansin ng mga news outlets sa mga biktima, unang responders, sibilyan na bayani, at ang gumagaling na komunidad.

“Nadamay din ang mga pinansyal na institusyon sa buong mundo noong 2008”

“Lemmings of Wall Street” ni Cass Sunstein, ay isang pabilisang, hindi teknikal na pagbabasa. Napublish noong Oct 2008, sakto sa pag-crash.

“ang complex contagion theory.”

“Threshold Models of Collective Behavior” ni Granovetter (1978) ang unang beses, sa alam ko, na ang naglarawan ng "complex contagion" model. (pero hindi pa niya ginamit ang pangalang iyon)

“Complex Contagions and the Weakness of Long Ties” ni Centola at Macy (2007) nilikha ang parirala na "complex contagion", at at ipiknakita ang mahahalagang pagkakaiba sa pagitan nito at ang "simple contagion".

“Evidence for complex contagion models of social contagion from observational data” ni Sprague at House (2017) ipinakita na ang mga complex contagions, sa katotohanan, ay umiiral. (at least, sa social media na datos na ipinag tignan nila)

Finally, “Universal behavior in a generalized model of contagion” ni Dodds at Watts (2004) nagpopropose ng model nagpapaisa sa lahat ng klase ng contagions: simple at complex, biological at social!

“ang possum ay may 13 na utong”

nakaayos sa isang pabilog 12 na utong , at isa sa gitna

“groupthink”

Itong Orwell-inspired na parirala ay inilikha ni Irving L. Janis noong 1971. Ayon sa kaniyang orihinal na artikulo, Si Janis ay nag-iimbestiga ng mga kaso ng groupthink,inilista ang mga dahilan, at — mabuti nalang — ilang posibleng mga remedyo.

“bonding at bridging social capital”

Ito ang dalawang klase ng social capital — "bonding" at "bridging" — inilikha ni Robert Putnam sa kaniyang 2000 na libro, Bowling Alone. His discovery: across almost all empircal measures of social connectiveness, Americans are more alone than ever. Golly.

“bridging social capital ay mayroong 'sweet spot'”

“The Strength of Weak Ties” ni Granovetter (1973) ipinakita na ang mga koneksyon sa mga grupo ay nakakatulong sa pagkalat ng simpleng contagions (tulad ng impormasyon), pero “Complex Contagions and the Weakness of Long Ties” ni Centola at Macy (2007) ipinakita na ang mga koneksyon sa mga grupo ay hindi nakakatulong sa mga complex na contagions, at maaari pang, mapasagabal sa kanilang pagkalat!

“ang small world network”

Ang ideya na "small world" ay iginawa ni 1968 na experiment ni Travers at Milgram , kung saan ipinakita nito na, on average, kahit sinong dalawang tao sa Estados Unidos ay magkakahiwalay sa 6 na pagkakaibigan lamang — "six degrees of separation"!

Ang small-world network ay mas nagiging matematikal sa “Collective dynamics of small-world networks” ni Watts at Strogatz (1998), kung saan gumawa ng isang algorithm sa paggawa ng networks na may parehong mababang average na path length (low degree of separation) at mataas na pagkakakumpol (friends have lots of mutual friends) — iyon, ang isang network na sakto lang!

Pwede mo rin laruin ang ang visual, interactive na pagbagay na papel ni Bret Victor (2011).

“[small world networks] ay naglalarawan kung paano konektado ang ating neurons”

“Small-world brain networks” ni Bassett & Bullmore (2006).

“[small world networks] nagpapataas ng kolektibong pagkamalikhain”

“Collaboration and Creativity: The Small World Problem” ni Uzzi & Spiro (2005). Itinalakay ng papel na ito ang social network ng Broadway scene sa paglipas ng panahon, at nadiskubre na, oo, ang network napakamalikhain kapag ito ay isang "small world" network!

“[small world networks] ay nagpapataas sa antas ng paghahanap ng solusyon sa problema”

See “Social Physics” ni MIT Professor Alex "Sandy" Pentland (2014) para sa batay sa datos na pagtatalakay sa kolektibong katalinuhan.

“[small world networks] ay nakatulong kay John F. Kennedy (muntikan) na makaiwas sa nuclear war!”

Maliban sa pagkasabog ng NASA Challenger, ang pinakakilalang halimbawa ng groupthink ay ang Bay of Pigs invasion. Noong 1961, si US President John F. Kennedy at ang kaniyang mga advisors ay inisip — sa ewan ko nalang na dahilan — na isang mabuting ideya para sikretong salakayin ang Cuba at tanggalin si Fidel Castro. Pumalpak sila. Actually, mas malala kaysa pumalpak: ito ang nagdulot ng Cuban Missile Crisis noong 1962, ang pinakamalapit sa buong mundo na magkaroon ng nuclear war.

Oo, pumalpak talaga diyan si JFK.

Pero, pagkatuto niya sa mga aral mula sa Bay of Pigs invasion, iniayos niya ang kaniyang pangkat upang maiwasan ang groupthink. Bukod sa maraming bagay, siya ay: 1) aktibong naghihikayat sa mga tao na magsalita ng panunuya, kaya binabawasan ang "contagion threshold" para sa alternatibong mga ideya. At 2) hiniwalay niya ang kanyang pangkat sa mga sub-group bago bumuo muli, na nagbigay sa kanilang grupo ng isang "maliit na network ng mundo" na tulad ng disenyo! Sama-sama, ang pag-aayos na ito ay nagpadaan para sa isang malusog na pagkakaiba-iba ng opinyon, ngunit hindi masyadong nabali & mdash; isang karunungan ng mga tauhan.

At sa huli, kasama ang dating mga indibidwal na naging desido sa Bay of Pigs, pero nagbago kolektibong magdesisyon sa Cuban Missile Crisis... Ang pangkat ni JFK ay nagkaroon ng isang mapayapang kasunduan sa lider ng Sobyet na si Nikita Khrushchev. Inalis ng mga Sobyet ang kanilang mga missiles mula sa Cuba, at bilang kapalit, ipinapangako ng US na huwag lusubin muli ang Cuba. (at sumang-ayon rin, sa lihim, upang alisin ang mga missiles ng US mula sa Turkey)

At iyan ang kuwento kung paano muntikang mamatay ang lahat ng tao sa mundo. Ngunit isang maliit na network ng mundo ang nagligtas sa lahat! Medyo.

Pwede mo pang basahin ukol dito sa Harvard Business Review, o sa sa orihinal na artikulo ng groupthink.

“iniimpluwensiyahan natin [...] ang kaibigan ng kaibigan ng ating kaibigan!”

Muli, galing sa libro nina Nicholas Christakis at James Fowler, Connected (2009).

“maging mapag-aalinlangan sa mga ideyang nagpapalaki sa iyo”

oo, pati na ang mga ideyang sa loob nitong pagpapaliwanag.

★ Sandbox Mode ★

Ang mga keyboard shortcuts (1, 2, space, backspace) ay gumagana sa lahat ng puzzles, hindi lang sa Sandbox Mode! Seryoso, pwede mong balikan ang mga nauunang kabanata, at i-edit ang simulation doon. Sa katunayan, yan ang kung paano ko ginawa ang lahat ng puzzles. Have fun!